Alamat ng BuboyAng alamat ng Barangay Buboy ay isa sa mga alamat ng bayan ng Nagcarlan, Laguna na noon ay hindi pa maayos at maunlad. Ang mga tao dito ay hindi pa sibilisado at edukado.
Sinasabi na ito raw sa Bayan na ito ay may isang lugar na napapalibutan ng mga punongkahoy. Mayroon ditong puno ng niyog na siyang kinabubuhay ng mga tao. Ito ay kanilang iniluluwas at ipinagpapalit ng anumang mga pangangailangan nila. Dahilan na iyon ang kanilang ikinabubuhay, naisipan din ng mga tao doon na sila ay magtayo ng mga kabahayan. Ang mga lugar na ito ay kanilang nililinis. Sa kanilang paglilinis, napansin nila na may kakaibang punongkahoy. Hindi lamang sa iisang lugar tumubo ang punongkahoy na ito. Kundi sa iba't ibang lugar. Tinawag nila ang punongkahoy na iyon na BUBOY. Minsan ay may dumating na mga Kastila at itinanong ang pangalan ng lugar na iyon. Ang pinagtanungan ay hindi makaapuhap ng salita at ang naisagot ay BUBOY. Buhat sa pangalan ng kakaibang punongkahoy na iyon. Magmula noon ang barangay na iyon ay nakilala sa tawag na BUBOY. |
LocationLocation Name
1345 Main St San Francisco, CA Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi. |